3 chinese vessels namataan sa West Philippine Sea

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na may tatlo na namang Chinese vessel na namataan sa pinag-aagawang Panatag Shoal o West Philippine Sea.

Ayon kay PCG Chief Rear Admiral Luis Tuazon, hinihintay na lamang nila ang “go signal” ng pangulo  kung kaialn ibabalik ang mga  barko ng Pilipinas sa isla.

Sinabi ni Tuazon na base sa huling aerial survey ng Philippine Navy, ang tatlong Chinese ships ay nakita sa labas ng lagoon

Kabilang  dito  ang dalawang maritime  at isang survellaince vessels ng China.

“They are still there. They left before [from] inside the lagoon, but they are still outside,” ani Rear Admiral Tuason.

Ang Panatag Shoal o tinatawag na ngayon na West Philippine Sea ay matatandaang nagdulot ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China .

Nagkaroon naman ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China sa pag-atras sa mga barko pinag-aagawang isla ngunit ngayon ay mayroon na namang namataang mga barko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply