3 dalagita hinihinalang tinangay ng ka-chat sa FB

TATLONG dalagita mula sa Sta. Cruz, Maynila ang hinihinalang tinangay ng kanilang ka-chat sa social networking site na Facebook.

Dahil dito, nagbabala ang awtoridad sa publiko na mag-ingat sa pagpili ng mga kaibigan sa Facebook.

Ayon kay Vita Islamaban, 54, ng Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila, Setyembre 18 nang mawala ang kanyang anak na itinago sa pangalang Ana, 16 anyos.

Nabatid na bago nawala ang biktima ay naikuwento nito na isang alyas “Muslim” ang kanyang naka-chat sa FB at nag-alok na handa itong mag-‘sponsor’ sa dalagita.

Bukod pa sa mga ibinigay na gamit, may pagkakataon na rin umanong nabigyan ni Muslim ng pera si Ana noong Setyembre 14.

Hindi naman umano idinetalye ng kanyang anak kung anong klaseng ‘sponsor’ ang inialok ni Muslim at makalipas ang ilang araw ay hindi na umuwi ang biktima.

Nang tawagan ni Vita ang kanyang anak ay lalaki umano ang sumagot at binababaan siya ng telepono.

Dagdag pa ni Vita, na nito lamang nakalipas na linggo ay nakausap niya ang anak at nabanggit nito na sila ay nakakulong sa Monumento.

Nawawala rin ang kabigan ni Ana na si Vicki ( hindi tunay na pangalan), 14 anyos, residente rin ng Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila, na pinaniniwalaang sumama rin sa naka-chat niya sa Facebook.

Nitong Oktubre 18 naman nawala ang bitkimang si Angel (hindi tunay na pangalan), 14 anyos, 3rd year student sa Manila High School.

Ayon kay Arcelyn Estorba, ina ng biktima, iiang kaibigan umano ng biktima ang nagsabi na sumama ito sa ka-chat niya sa Facebook.

Nang tawagan ni Estorba ang cellphine ng anak ay lalaki rin ang sumagot at buhat noon ay hindi na nila nakontak ang dalagita.

Pawang residente ng iisang lugar ang mga biktima kung saan sila ay nawala matapos ang makipag-chat sa FB.

Hinala ng mga magulang ng mga biktima, na iisang grupo lang ang tumangay sa kanilang mga anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply