3 importer ng smuggled rice, ipinaaresto na

INIUTOS na ni Senate President Juan Ponce Enrile sa Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) ng Senado na kaagad dakpin ang tatlong importer sa nabigong pagpupuslit ng bigas matapos mapatunayan nagsisinungaling.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate blue ribbon at agriculture committee nitong Miyerkoles, umabot sa 17 senador ang lumagda upang arestuhin sina Jan Dexter Marfil, ang president and CEO of Masagana Import and Export, at  Magdangal Diego Maralit Bayani III at Indian importer na si Protik Guha.

Si Marfil ay pinaaresto ng Senado dahil sa pagsisinungaling sa committee, habang si Bayani ay pinatawan ng contempt dahil sa pagtanggi na sagutin ang mga katanungan ng mga senador.

Habang si Guha na siyang chief executive officer ng Amira C. Foods International ay ipinaaresto ng Senado dahil sa patuloy na pang-iisnab sa mga pagdinig.

Humingi na ng tulong ang Senado sa Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation para agad maaresto ang ilang local at Indian rice importer na sangkot sa smuggling ng 420, 000 sako ng bigas sa Subic noong Abril.

Magugunitang nakulong na rin sa Senado ang sangkot sa rice smuggling na si Cesar Ramirez dahil sa pagsisinunging sa pagdinig ng committee.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply