3 itlog kolektong ng MPD Station 4

HALOS mag-iisang buwan pa lang na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) Station 4 itong si Supt. James Afalla matapos palitan ang dating hepe rito na nasangkot ang mga tauhan sa pagdukot ng isang balikbayan sa Zambales at pangingikil ng P1 milyon ay pumuputok na ang pangalan nito hindi lang sa mediamen kundi pati na rin sa mga

karaniwang residente na kanyang nasasakupan.

Ito ang halos buod na nilalaman ng napakahabang text message na natanggap ng PAKUROT mula sa isang concerned citizen ng Sampaloc, Maynila.

Ayon sa nagpadala ng mensahe, hindi naman masamang tao si Afalla.

Subaybay pa nga umano niya ang career nito sa MPD Station 3 na kung kaya siya nasibak ay dahil naman sa mga tauhan niya na nasangkot sa pagdukot sa mga turistang Koreano sa Malate, Maynila.

Mabait aniya si Col. Afalla kung kaya naman nasisira ang kanyang pangalan ay dahil sa mapangahas na hakbang ng tatlong itlog na nagpapakilalang kolektong este kolektor

pala niya.

Ang Tatlong bugok, ay itlog pala, ay kinilalang sina Tata Abe, Kagawad Gred at Daddy Cool. Itong si Tata Abe ay pulis na umano’y bagman ni Afalla habang sina Kagawad Greg at Daddy Cool naman ang bata-bata ng sarhento. Noon pa man ay pawang pangongolekta sa vendors at iba pang nagi-iligal sa Sampaloc ang gawain nitong si Kagawad Greg ng Barangay 409, Zone 41 ng 4th District.

Gayundin naman ang gawain nitong si Daddy Cool. Namayagpag ang pangalan ng dalawang balut, este bugok, noong panahon pa lang ni Supt. Jemar Modequillo na isa ring napakabait na opisyal na natalaga sa Sampaloc Police Station.

Katakot-takot na bukol ang inalagaan ni Modequillo kina Kagawad Greg at Daddy Cool dahil naman sa utos na pangongolekta sa kanila ng isang SPO2 Nicodemus hanggang umabot pa sa kapahamakan nito na nang maglaon ay nagkabukingan na ang dalawa at ang pulis ang malaki ang pakinabang. Sana’y ngayon pa lang ay magising na itong si Col. Afalla na mali ang mga taong kinukupkop at pinagkakatiwalaan niya dahil posibleng ang mga ito ang magpapahamak sa kanya at maglagay ng dungis sa kanyang iniingatang pangalan.

Nararapat namang bigyang parangal ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pangunguna nina Supt. Reynaldo Ramirez  at Chief Insp. Rey Perlade dahil sa pagkakaaresto kina Salvador Fulloso, ng Batasan Hills, Quezon City at Pablito Manatag ng Antipolo City na hindi pa nasiyahan sa panghoholdap ng nagiging pasahero nilang babae at minomolestiya pa ang mga biktima nila.

Naaresto ng mga tauhan ng DSOU sa  follow-up operations ang mga suspek na parami nang parami ang nagrereklamo habang nakapiit sa kulungan at nahaharap sa kasong robbery and acts of lasciviousness.

Belated Happy Birthday to one of my favorite nephew  Dr. Albert Lawrence A. Bunnell who celebrated last Friday.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply