3 kandidato sa Cebu, pinapa-disqualify sa Comelec

PINAPA-DISQUALIFY sa Commission on Elections (Cpemelc) ang tatlong kandidato sa Cebu na lalahok sa 2013 elections.

Inihain sa Comelec ang petitions for disqualification laban kina dating Senador John Henry “Sonny” Osmeña na tatakbong mayor ng Toledo City; dating Congressman Antonio Yapha, running mate ni Osmeña; at dating Compostela Mayor Gilbert Wagas.

Nabatid na si Wagas ay tatakbo bilang kongresista ng 5th District, kahit na ito’y nakakulong sa Maynila dahil sa kasong graft.

Kinuwestyon ng mga petitioner ang residency requirement ng Comelec nina Osmeña at Yapha, habang si Wagas naman ay kinuwestyon ang pagtakbo sa isang posisyon gayong nahatulan itong guilty ng Sandiganbayan sa kasong graft.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply