3 nawawalang mangingisda hinahanap ng PCG

PATULOY pa rin ang isinasagawang paghahanap ng Philippine Coast Guard sa tatlong mangingisda na inulat na nawawala sa matapos mangisda sa Mangsee Island sa Balabac, karagatang sakop ng Palawan nitong linggo.

Sa report sa website ng PCG, kinilala ang tatlo na sina Adoricon Vicentino, Reynaldo Rabang at Jonathan Ytac na lulan ng bangkang pangisda na JM-5.

Sa pinakahuling ulat nngayong Biyernes, ginalugad ng PCG mula sa Mangsee detachment at mga residente ang nasabing karagatan subalit hindi pa nakikita ang tatlo.

Kaugnay nito, nanawagan ang PCG sa mga naglalayag sa karagantang malapit sa bisinidad ng Palawan na magmatyag na mabuti  at tulungan ang tatlong nawawalang mangingisda sakaling kanilang matagpuan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply