3 NPA, 1 sundalo patay sa sagupaan sa Bukidnon

TATLONG miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang ng military sa naganap na serye ng habulan at sagupaan na ikinasawi rin ng isang sundalo sa bayan ng Impasug-on, Bukidnon.

Ayon kay Philippine Army 4th Infantry Division spokesman Army Lt Col. Eugene Osias, napatay ng kanilang mga tauhan ang tatlo kasapi ng NPA Guerilla Front Committee 4-A na pinamunuan ng isang Kumander Dahon.

Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng routine combat patrol operation ang tropa ng 8th Infantry Battalion sa liblib na barangay sa bayan ng Impasag-on ng masabat ang mga armadong NPA guerrilla na agad na nauwi sa mainit na sagupaan.

Malungkot naman ibinalita ni Osias na nalagasan rin sila ng isang sundalo subalit bago ito nasawi ay nagpakita ito ng kabayanihan ng walang takot na makipagsabayan sa kalaban kahit sugatan na.

Napilitan namang tumakas ang mga rebelde sa takot na maabutan ng re-enforcment mula sa 4th ID.

Sa pagtakbo ay naiwan ng mga rebelde ang ilang mataas na kalibre ng armas at ilang subersibong dokumento.

Sa ngayon, patuloy pang nagsagawa ng pursuit operation ang militar laban sa nasabing mga kaaway ng estado.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply