3 pampublikong sementeryo sa QC napupuno na

NAUUBUSAN na ng mapaglilibingan ng patay ang tatlong pampublikong sementeryo sa Quezon City.

Ayon sa civil registrar, ang average ng mga nililibing na tao sa mga pampublikong sementeryo sa lungsod ay aabot ng 100 na libing bawat linggo, 400 bawat buwan o tumataginting na 4,800 burials bawat taon.

Dahil dito, ang mataas na bilang ng mga nililibing sa lungsod ay nagresulta para maubusan na ng nitso ang dalawang QC public cemeteries tulad ng sa Bagbag, Baesa at Novaliches.

Para malutas ito, plano ng civil registrar na hindi na papayagan ang underground burials o renewal ng single tombs para bigyan ng daan ang pagpapatayo ng “apartment-type” tombs.

Bukod pa rito, magdadagdag din ang pamahalaan ng lungsod ng columbary areas para sa mga pampublikong sementeryo.

Ang mga nabanggit na hakbangin ay isang layunin ng QC government para may mapaglibingan sa hinaharap sa siyudad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply