3 pang Pilipino, posibleng maging santo

MATAPOS na ideklarang santo si Pedro Calungsod, tatlo pang Pilipino ang posible ring maging santo o  i-canonize ng Vatican.

Ang mga ito ay sina Mother Ignacia Del Espiritu Santo, founder ng Congregation of the Sisters of the Religious of the Virgin Mary, Isabel Larrañaga Ramirez, nagtatag ng Sisters of Charity of the Sacred Heart of Jesus at yumaong Lucena Bishop Alfredo Maria Obviar.

Ayon kay Fr. Aris Sison ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao, Quezon City, kapwa idineklara ni yumaong Pope John Paul II sina Obviar at Ramirez bilang “Servant of God”.

Tinanggap naman ni Pope Benedict XVI ang findings na isang “venerable” si Mother Ignacia.

Ang pagiging “Servant of God” at “Venerable” ang ilan sa mga unang hakbang tungo sa pagiging santo.

Beatification naman ang proseso upang ideklara bilang “Blessed” at pinakahuli ang sainthood, hudyat na nakumpleto na ang proseso ng canonization na magdedeklara sa isang yumao bilang santo.

Ayon naman kay  Pope Benedict XVI dapat tularan ng buong mundo ang kahanga-hangang gawa at buhay ni Saint Pedro Calungsod sa kaniyang homily kasabay ng canonization ng pitong bagong santo ng simbahang
katolika kabilang na si Calungsod.

Sinabi ng Santo Papa na nangingibabaw sa buong Catholic Church ang naging mahigpit na pananampalataya nina Calungsod at anim na iba pa na kaniyang hinirang bilang ganap na Santo.

Binalikan ni Pope Benedict ang naging buhay noon ni Saint Calungsod na ang pagmamahal  ng batang martyir sa panginoon ang naging inspirasyon nito para mag-aral ng katekismo sa mga Jesuit Missionaries.

Ayon sa Santo Papa, sa kabila ng hirap na dinanas ng mga misyonero, ipinakita ni Calungsod ang matatag na pananampalataya at patuloy sa pagtulong sa mga katutubo.

Maari namang tumakas noon si Pedro nang pinatay ng mga katutubo si Father Diego pero piniling manatili sa tabi ng itinuturing na mentor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply