3 pang suspek sa pananaksak sa UST student, kilala na-MPD

PINANGALANAN na ang tatlo pang nakilalang suspek na sangkot sa pananaksak  sa estudyante ng University of Santos Tomas sa loob ng Far Eastern University sa Maynila dalawang linggo na ang naklilipas.

Ayon kay  Supt. James Afalla, hepe ng MPD –Station 4, nakilala na ang tatlo pang suspek na babae na sina April Borromeo, Danica Suba at Danica Ortega.

Nakuha ang mga pangalan ng mga suspek sa pakikipag-tulongan na rin ng pamunuan ng FEU sa paglutas  sa kaso.

Ang mga suspek ay una na ring sinuspinde ng unibersidad at kapwa kinasuhan nng frustrated murder.

Matatandaan na una nang pinangalanan ang mismong sumaksak na si Maria Crisitine Acosta sa UST Information technology (IT) student na si Joanne Lourdes Reyes ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito lumulutang sa pulisya.

Ayon sa pulisya, bagamat hindi pa sumusuko ang mga suspek ay mapapadali na ang pagtugis sa mga ito dahil kilala na at napangalanan na.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kung apat o lima ang sumaksak kay Reyes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply