3 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Antique

NAMATAY ang tatlong katao at isa ang malubhang nasugatan sa pamamaril ng di pa kilalang lalaki na naganap sa Brgy. Bugo, San Remegio, Antique kagabi, Oktubre 26.

Kinilala ang mga namatay na sina Joel Anecito, 40, ang magkapatid na Mabini Tobianosa at Noel Tobianosa na pawang binawian ng buhay pagsapit sa Angel Salazar Memorial General Hospital sa San Jose, Antique.

Sugatan naman sa pangyayari ang kapatid ng isa sa mga namatay na si Nelson Anecito at patuloy pang ginagamot sa nasabing ospital.

Ayon sa sugatang biktima, wala siyang ideya kung ano ang dahilan sa pagbaril sa kanya ng hindi pa kilalang suspek.

Napag-alaman na ito ay residente ng Brgy. Sinundulan subalit nagtatrabaho sa bukid sa Brgy. Bugo, pawang nasa bayan ng San Remegio.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis kung ano ang motibo sa krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply