3 patay, ABC president sugatan sa shootout

CANDELARIA, QUEZON—Tatlo ang patay at isang kapitan ng barangay ang sugatan ng paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan sa isang checkpoint sa Barangay Pahinga 2, kaninang madaling araw.

Kinilala ng hepe ng pulisya, Supt. Francisco Ebreo ang mga namatay na sina Zerdan Fortaleza, 34, ng San Roque 2, Bgy. Pag-asa, Quezon City; Crisanto Tria at anak na babae na si Czarina Marie Tria, pawang taga Bgy. Pahinga 2.

Sugatan naman si Macario Boongaling, pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) ng bayang ito na naging Provincial Board Member na kumakatawan sa ABC.

Ayon kay Ebreo, kinilala si Fortaleza sa pamamagitan ng kanyang driver’s license na siya ring nagmamaneho ng sasakyan ng mga suspek samantalang sina Tria at Tiviño ay tinamaan ang ligaw na bala habang dumadaan sa checkpoint lulan ng tricycle.

Ayon sa report na isinumete kay Quezon police director, Senior Supt. Valeriano de Leon, sinabi ni Ebreo na nangyari ang barilan dakong ika-4 kaninang umaga habang sina Boongaling kasama ang mga miyembro ng barangay police na pinamumunuan ni Teodoro Mendoza ay nagsasagawa ng checkpoint.

Sinabi rin ni Ebreo na ng pahintuin ng grupo ang isang papalapit na Toyota Innova na may licensed plate ZPE- 124, ang mga sakay nito ay biglang nagpaputok ng baril at tinaman si Boongaling sa kaliwang balakang. Aniya nagawa ni Boongaling na bunutin ang kanyang baril at nakipagpalitan ng putok sa mga suspek at napatay agad si Fortaleza.

Dahil nakita nila na patay na ang kanilang driver, sabi pa ni Ebreo ang tatlo pang suspek ay agarang bumaba ng van at nagtatakbo papalayo.

Sabi pa niya, na sina Tria at kanyang anak na babae na lulan ng tricycle ay dumadaan sa checkpoint pauwi ng bahay ng tamaan ng ligaw na bala na garang nilang ikinamatay. Ang asawa ni Tria’s na kasama rin nila ay ligtas naman.

Ilan sa mga nagrespondeng pulis ay hinabol ang mga tumatakas na suspek samantalang ang iba naman ay isinugod si Boonggaling sa ospital sa San Pablo City.

Narecover sa pinangyarihan ang isang U.S. Carbine rifle, Colt Super 38 pistol at Cal. 38 revolver na burado ang serial trade mark, magazine na kargado ng bala para sa Armalite rifle, at sasabunging manok.

Sa isang follow-up investigation, napag-alaman na ang Toyota Innova ay nakarehistro sa isang Jay Reyes Pineda na taga 80L11, District 13 Pandacaqui, Mexico, Pampanga.

Matapos ang anim na oras ng insidente sinabi ni Supt. Ranser Evasco, hepe ng Provincial Investigation Branch ay nagsabing si Boongaling ay nasa maayos na kalagayan na  matapos sumailalim sa operasyon, at nagsabing ang bala ay tumagos sa kaliwang balakang.

Si Evasco na siyang ipinadala ni De Leon sa ospital upang i-supervise ang imbestigasyon at seguridad ni Boongaling ay nagsabing bago pa mangyari ang barilan, may mga insidente ng nakawan na kadalasan ay sasabunging manok ang nangyari sa barangay sa mga nakalipas na linggo at buwan. Aniya ang mga magnanakaw na nakitang gamit ang Toyota Innova.

“Ito ang dahilan kung bakit si Mr. Boongaling, matapos makatanggap ng mga reports na mayroong isang Toyota Innova na paligid-ligid sa barangay na armado ng armas ang mga sakay nito, personal na kumilos at pinangunahan ang kanyang mga barangay police upang pahintuin ang nasabing sasakyan”, ayon kay Evasco.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply