3 patay sa holdapan

PATAY ang isang mag-ama at isa sa suspek nang magpambuno sa holdapan sa isang tindahan sa Sta.Cruz, Maynila kagabi.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang mag-amang sina Sierra at Onofre Cruz, ng Felix Huertas St.,Sta.Cruz, Maynila.

Namatay din ang isa sa suspek na nakilala base sa nakuhang drivers license sa kanyang bulsa na si Arnold Lipon.

Nakatakas naman ang tatlo pang suspek dala ang kanilang mga armas sa panghoholdap.

Sa report ng Manila Police District–Homicide Section, naganap ang panghoholdap sa isang tindahan ng  diaper at dishwashing liguid na matatagpuan sa nasabing lugar.

Nauna rito, naaktuhan umano ng anak na si Sierra  na nakikipagbuno ang amang si Onofre sa isa sa suspek.

Dahil nasa peligro na ang buhay ng mag-ama ay minabuti ni Sierra na kumuha na rin ng baril at pinaputuokan ang suspek hanggang sa tamaan at mapatay.

Mabilis ding dumating ang iba pang kasama ng napatay na suspek at pinagbabaril ang mag-ama saka tuluyang tumakas.

Si Onofre ay nagtamo ng tama ng bala sa panga at kanang dibdib habang sa katawan naman ang tama ng anak na si Sierra.

Sa tulong naman ng kuha ng CCTV ay  nakilala na ang mga mukha ng iba pang suspek na nakatakas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply