3 patay sa masaker sa Davao del Sur

PATAY ang tatlo katao sa naganap na massacre sa Sitio Alyong, Bongmal, Kimlawis Davao del Sur kaninang umaga.

Sa ulat, kinumpirma ni Nonobert Malit, kamag-anak ng mga namatay na hindi bababa sa sampu ang armadong grupo na gumising at rumatrat sa pamilya Capeon dakong alas-6:00 ng umaga habang natutulog sa kanilang farm house sa nasabing sitio.

Ang mga namatay ay kinilalang sina John Capeon, 8-anyos; Pop, 12-anyos; at ang kanilang ina na si Jovie, habang nakatalon naman sa bintana ang kanilang ama na si Daquel Capeon na matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong murder at extortion sa mining company na Sagittarius Mines Inc.

Ayon pa kay Malit, hindi pa natatagpuan si Daquel maging ang mga kapatid nito matapos tumakas.

Wala pang maiturong salarin ang pamilya Capeon.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa krimen.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply