3 Pinoy crews utas sa Korea

SEOUL, South Korea — Mismong ang South Korean Coast Guard ang nagpahayag na tatlong Pinoy ang namatay sa lumubog na cargo ship sa southern island ng Jeju.

Nabatid na iniligtas ang mga biktima mula sa lumubog na Malaysian cargo vessel subalit tumaob naman ang kanilang sinasakyang rescue boat.

Maliban sa tatlong Pinoy, patay din sa aksidente ang dalawang Chinese nationals.

Sinasabing mayroon kabuuang 13 Chinese at anim na Pinoy crew ang nasabing Malaysian cargo ship.

Nasa ligtas na kalagayan naman ngayon ang iba pang mga biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply