3 Pinoy patay sa tumaob na bangka sa SoKor

TATLONG Filipino ang iniulat na namatay matapos tumaob ang sinasakyang bangka ng South Korean Coastguard habang sila ay inililigtas mula sa lumubog na cargos ship sa nasabing bansa.

Ang mga biktima ay lulan ng naturang bangka kasama ang ilan pang tripulante na unang iniligtas ng coast ng South Korea.

Sampu lamang ang tuluyang nailigtas nang mailipat sa ibang sasakyang pandagat habang ang tatlong Pinoy at dalawang Chinese sailor ay namatay.

Patuloy namang ibineberipika at inaalam ang pagkakilanlan ng tatlong Pinoy na nasawi sa insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply