Retreat house sa QC nasunog, 10 kuwarto naabo

(UPDATE) NAABO ang 10 kuwarto ng isang retreat house matapos sumiklab ang sunog dito sa Casanova Drive, Barangay Culiat sa Tandang Sora, Quezon City Biyernes ng tanghali.

Ayon sa ulat sa radyo, nagsimula ang sunog bandang alas-11:05 ng tanghali na umabot sa ikatlong alarma bago naapula na tumagal ng 30 minuto

Nabatid na nagmula ang apoy sa room 241 ng Sta. Rafaela Ma. House of  Spirituality retreat house.

Tinatayang P400,000 ang halaga ng pinsala ng naturang sunog.

Wala namang naitalang nasugatan sa insidente habang patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply