3 sundalo, 2 ASG utas sa Sulu clash

TATLONG sundalo at dalawang Abu Sayyaf ang nautas sa panibagong engkuwentro ng dalawang grupo sa Sulu kaninang umaga.

Nabatid na nagpapatrolya ang operating units ng Marine Battalion Landing Team 6 (MBLT-6) sa kabundukan ng Patikul nang makasagupa ang hindi mabilang na armadong ASG.

Maliban sa mga namatay, 10 Marines din ang nasugatan sa sagupaan.

Kaagad namang nagpadala ng reinforcement ang Wesmincom gamit ang aerial at ground assault.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply