3 sundalo niratrat ng armadong suspect sa Basilan, tigbak

NIRAPIDO ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang tatlong sundalo sa Lamitan City sa Basilan province nitong Sabado ng hapon, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kinilala ang mga biktima na sina Sgt. Ronald Danago, Cpl. Adzhar Angkaya, Pfc. Radzmer Jasim na pawang nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din.

Hindi naman ibinunyag pa ng awtoridad kung sino ang nasa likod ng pamamaslang pero may hinala na sila kung sinong grupo ang dapat pananagutin.

Sa alas  6 a.m. na ulat, sinabi ng NDRRMC na ang insidente ay naganap dakong  4:15 p.m. nitong Sabado sa Barangay Baas sa Lamitan City, Basilan.

Ayon sa ulat, lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo nang buntutan at paputukan ng mga suspect na lulan din sa dalawang motorsiklo.

Ang tatlong namatay na sundalo ay pawang miyembro ng Army’s 32nd Infantry Battalion Alpha Company.

Sinabi pa ng NDRRMC na nagkakasa na ng imbestigasyon ang local police at ang 32nd Infantry Battalion para mahuli ang mga suspect.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply