3 sundalong nalagas sa Basilan ambush, ASG nagkasa

TROPANG Abu Sayyaf rebels ang responsable sa pag-ambush at pagpatay sa tatlong sundalo ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa may Barangay Baas, Lamitan City sa probinsya ng Basilan nitong nakaraang Sabado.

Sinabi ni Col. Jemar Aseron, commander ng 32nd Infantry Battalion, na bago pa man nangyari ang pag-ambush at pagpatay sa tatlong sundalo ay may mga natatanggap na silang pagbabanta mula sa ASG. At ito ay dahil sa patuloy na paghihigpit ng seguridad sa mga lugar ng Lamitan at sa iba pang parte ng Basilan.

Dahil dito, ikinasa na ng awtoridad ang hot-pursuit operations laban sa mga rebelde na bumibilang ng mahigit sa 20.

Maalalang, dead on the spot ang mga nakasakay sa dalawang motorsiklo na sina Sgt. Ronald Danago, Cpl. Adzhar Angkaya at si Pfc. Radzmer Jasim matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan na lulan din sa kani-kanilang motorsiklo.

Nagtamo ng maraming mga tama ng bala mula sa caliber .45 pistol sa katawan ang mga biktima na kanilang ikinamatay.

Noong Sabado ng gabi, dinala ang bangkay ng tatlong sundalo sa Western Mindanao Command (West Mincom) sa Zamboanga City at idiniretso sa isang punerarya roon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply