3 tripulanteng Pinoy na nakaligtas sa SoKor, nakauwi na sa bansa

NAKABALIK na kagabi ang tatlong Filipino seafarer na nakaligtas mula sa lumubog na Malaysian cargo vessel sa Jeju  Island,  South Korea.

Ayon sa pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong alas-11:00 kagabi nang dumating ang tatlong Pinoy sa Terminal 1, Pasay City lulan ng Asiana Airlines  flight OC 703.

Matatandaan na ang tatlong Pinoy ay kabilang  sa 19 na crew ng Malaysian-registered vessel, na Shinline Freighter na lumubog sa Jeju Island, noong Oktubre 18.

Sa kabila nito, lima sa mga crew ng barko kabilang ang tatlo pang Pinoy ang namatay sa naturang  trahedya.

Pabalik na sana sa Singapore ang cargo vessel nang lumubog ito sa South Korea bunsod ng malalaking alon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply