3 tulak timbog ng PDEA

TATLONG kabataan kabilang dito ang isang menor de edad na babae na pawang tulak ng iligal na droga ang nasakote ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Dagupan City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S Gutierrez Jr. ang mga nahuling suspek na sina Mark Villanueva, 18 anyos; John-John Carrera, 22 anyos at 16 anyos na babae na pawang residente lahat sa Binmaley, Pangasinan.

Batay sa ulat, bandang ala 1:00 ng madaling araw ng makipagtransaksiyon ang mga suspek ukol sa bentahan ng shabu sa poseur buyer ng PDEA Regional Office 1(PDEA RO1) Pangasinan Sector sa pamumuno ni Director Roybel Sanchez na isinagawa sa kahabaan ng Dagupan-Lingayen Road, Lucao District, Dagupan City,

Habang iniaabot ng mga suspek ang tatlong sachet ng shabu sa isang poseur buyer ng PDEA ay dito na sila dinakma ng mga nakaabang na operatiba .

Dahil dito sina Villanueva at Carrera  ay kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), Article II of Republic Act 9165 habang ang menor na dalagita ay pansamantalang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply