300 pamilya apektado ng bagyong Ofel – NDRRMC

ABOT na sa manigit na 300 pamilya o tinatayang 1,000 katao ang apektado ngayon ng bagyong Ofel.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pawang residente ng limang bayan sa region 8 o Eastern Visayas ang mga nasalanta ng bagyo.

Tinataya naman na 13,000 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa Metro Manila, Southern Tagalog, Bicol, Central Visayas, Western Visayas at Northern Mindanao.

Pinayuhan ng NDRRMC ang mga residente sa mga mababa at bulubunduking lugar na maghanda sa posibleng flashfloods at landslides.

Inabisuhan din ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na ipagpaliban ang paglalayag bunsod ng malalaking alon dulot ng bagyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply