3,000 kukuha ng qualifying exam para maging immigration officer

DINUMOG ng mga aplikante na nais na maging immigration officer ng Bureau of Immigration na itatalaga sa mga bakanteng puwesto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang ports of entry.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David, Jr. na 3,000 katao ang nakatakdang kumuha ng qualifying examinations para sa bakanteng 200 puwesto na gaganapin sa October 24 sa Department of Justice sa Maynila at walo pang venue gaya ng Baguio, La Union, Tarlac, Batangas, Naga, Iloilo, Cebu at Cagayan de Oro.

Matatandaan na una nang hiniling ni Commissioner David sa Department of Budget and Management na mag-empleyo ng 200 bagong immigration officer upang matugunan ang kakulangan ng mga tauhan sa NAIA at iba pang paliparan sa bansa.

“We aim to recruit a new breed of young, idealistic and dynamic immigration officers so we will do our best to pick from these applicants the best and the brightest”, paliwanag ni Commissioner David.

Sinabi pa ni David na magsisilbing bagong gatekeepers and front liners ng pamahalaan laban sa human trafficking ang makapapasang immigration officer

Sinabi naman ni BI spokesman Atty. Ma. Antonette Mangrobang, kailangang 36 taong gulang ang aplikante, civil service professional eligible at nakatapos ng apat na taong kurso sa kolehiyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply