3,000 Pinoy sasaksi sa kononisasyon ni Beato Pedro Calungsod sa Vatican

UMABOT na sa mahigit sa 3,000 Filipino na pilgrims ang tumulak patungo sa Vatican para saksihan ang nakatakdang kanonisasyon ni Beato Pedro Calungsod.

Sinabi ni dating Ambassador Tita De Villa na noong beatification ni Calungsod ay umabot sa 5,000 Pilipino ang dumalo.

Kasama sa cononization ni Calungsod sina Blessed James Berthieu, John Baptist Piamarta, Carmen Sall s y Barangueras, Marianne Cope, Kateri Tekakwitha at Anna Sch ffer na gagawin sa Linggo, 9:30 ng umaga sa St.
Peter’s Square.

Isang milagro lang ang kinailangan ng Vatican para maideklarang Santo si Beato Pedro Calungsod.

Sinabi ni dating Ambassador Tita De Villa na ang cononization ay dahil sa martir si Calungsod.

Ayon kay De Villa, maraming milagro na naiugnay kay Calungsod subalit ang tinanggap ng Vatican ay ang kaso ng isang babaeng na-comatose.

Nagdasal umano ang doktor ng babae kay Calungsod at matapos ang apat na oras ay gumaling at nagising ang babae.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply