31 Chinese arestado sa cyber fraud

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 31 Chinese national na umano’y miyembro ng sindikato ng paggamit ng “access devices” sa isinagawang entrapment operation sa Paranaque City.

Kinilala ng NBI ang mga inaresto, na sina Chan Chi-jou; Hsieh Ming-hsun; Huang Cheng-nung; Lai Guan-ling; Lin Xiuyan; Huang Feng-meng; Wang Ling-juan; Chang Fengyi; Zheng Xiaomei; Yu Xiujuan; Xye Hongfang; Chen Chun-kai; Hsieh Yi-ting; Wang Chih-chien; Huang Yen-tsai; Ling Bangbin; Ming Juanfan; Fang Ten-yu; Nu Quaio-chan; Yu bin; Yu Zhengqiang; Lin Bangshou; Yu Lingling; Huang Yu-chin; Wang Xianbin; He Cailing; Zheng Mengsha; Chen Yu-shu; Tsai Yung-chieh; Lai kwan-hong; Yang In-sha; pawang residente ng No. 70 D. Tuazon St., Gate 7, Sector 10, Parañaque City.

Nakatakas naman ang isang Mr. Ong ng nabanggit ring lugar sa isinagawang pagsalakay ng NBI.

Sa ulat, matapos makumpirma ang iligal na aktibidad ng sindikato ay nag-apply ang NBI ng search warrant sa sala ni Judge Rainelda Estacio Montesa ng Branch 46 ng Manila RTC nitong Oktubre 23, 2012.

Sa pagsalakay ay narekober ng NBI ang mga skimming device, assorted credit cards, routers, laptops, telephones, internet broadband, signal decoder at iba pang kopya ng scripts na may mga Chinese character na ginagamit umano sa operasyon.

Nasa kustodiya na ngayon ng NBI ang mga suspek at kinasuhan ng paglabag sa Sec.9 (a) and (f) of RA 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998 at ng Sec. 4 (a) (5) Misuse of Devices, Sec. 4 (b) (3) Computer-related Identity Theft and Sec 6 of RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon sa NBI, karamihan umano sa mga miyembro ng sindikato ng iligal na operasyon ng access device fraud gamit ang internet ay Chinese at may ilan ding Taiwanese.

Kabilang sa modus operandi ng sindikato ay ang mga on-line transaction at magnakaw ng mga credit card information sa pamamagitan ng hacking.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply