32 senatorial bets pasok na sa poll race

PASOK na sa 2013 poll race ang 32 pang senatoriables sa ilalabas na final list ng Commission on Elections (Comelec)

Una nang nakapasa sa inisyal na screening ng poll body ang 27 sentaorial aspirants at ito ay nadagdagan ng limang iba pa na  humabol sa isinnagawang deliberasyon.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes. Jr., na nabasura naman ang kandidatura ng 52 nag-asam sa posisyon ng pagkasenador.

Ayon kay Brillantes, ang listahan ng mga kuwalipikado at nadiskuwalipika sa pagkasenador sa 2013 midtern elections ay ilalabas na sa Lunes.

PInayuhan naman ni Brillantes ang mga natanggal sa listahan o nadiskuwalipika na mabuting dumulog na lamang sa Korte Suprema at huwag nang mag-ingay pa sa kanilang tanggapan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply