37 partylist disqualified na- Comelec

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na umaabot na sa 37 partylist groups ang diniskuwalipika nila at hindi pinayagang makalahok sa halalan sa May 2013.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., may 20 partylist silang tinanggal sa listahan ng mga tatakbo sa halalan bilang karagdagan sa naunang 17 partylist na diniskuwalipika nila.

Ang diskuwalipikasyon ay kasunod nang isinasagawang pagbusisi at pagrepaso ng Comelec sa track record, achievement at iba pang requirement na kanilang itinakda para sa partylist candidates.

Umaasa naman si Brillantes na mailalabas na ng ahensya ang opisyal na listahan ng mga partylist na makalalahok sa halalan bago matapos ang kasalukuyang buwan.

“We will announce a decision before the end of the month. Lahat siguro or mga nobenta porsiyento tatapusin na namin,” ani Brillantes.

Nabatid na may kabuuang 289 party-list groups ang naghain ng Manifestations of Intent para makalahok sa susunod na halalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply