375 classrooms naipatayo ni Recom

UMABOT sa 375 classrooms ang naipatayo ng administrasyon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri simula ng manungkulan itong alkalde noong 2004 na napakikinabangan ngayon ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong lungsod.

Ayon kay Echiverri, sa simula ng pagsisilbi nitong alkalde ng lungsod ay inabutan nito na mayroong 85 estudiyante sa bawat silid aralan o 1:85 ratio kaya’t nagpursige itong madagdagan ang mga classrooms na ginagamit ng mga mag-aaral.

Aniya, bagama’t patuloy na dumarami ang mga nag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong lungsod ay naibaba ang classroom to student ratio ng 1:55 at inaasahan na patuloy pa itong bababa dahil sa mga gagawing pang silid aralan.

“With the implementation of K12 program, more classrooms would be needed, and I promise that before the end of my term, we shall be constructing 300 more classrooms”, sabi pa ni Echiverri.

Napag-alaman na noong nakalipas na administrasyon ay umabot lamang sa 34 silid aralan ang naipatayo kaya’t nahihirapan ang mga guro sa pagtuturo ng napakaraming estudiyante.

Bukod sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya ay pinagtuunan din ng pansin ni Echiverri ang University of Caloocan City (UCC) kung saan ay mayroon ng 12,000 estudiyante kumpara noong 2004 na mayroon lamang 4,000 college students.

“Kung wala po ang UCC, naniniwala akong marami sa ating mga kababayan sa Caloocan ang hindi makatutuntong sa kolehiyo. Contrary to what is expected of low-cost education, our UCC graduates continue to rank high in professional exams. That is why, before the end of my term, we shall be building a new campus for UCC, both in the North and South Caloocan”, dagdag ng alkalde.

Nakapagpatayo na rin si Echiverri ng mga school comfort rooms sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong lungsod kaya’t hindi na nahihirapan ang mga estudiyante sa paghahanap ng lugar sakaling tinatawag ng kalikasan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply