4 carjackers, patay sa shootout

NAPATAY ang apat na hinihinalang carjacker nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis na tumutugis sa kanila kaninang madaling araw, October 23 sa Muntinlupa City.

Naganap ang insidente sa Don Pedro St., Victoria Homes sa Barangay Tunasan.

Ayon kay Senior Supt. Conrad Capa, hepe ng Muntinlupa City Police, na-aktuhan umano nila ang apat na suspek sa isinagawang frame up operation.

Nabatid na magbebenta sana ng nakaw na sasakyan ang mga biktima subalit nakatunog ang mga ito kaya nagtangka na tumakas.

Habang tinutugis ang apat na biktimang suspek, isa sa mga ito ang pinaputukan ang mga humahabol na awtoridad at nauwi sa palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito.

Sa kasalukuyan iniimbetigahan pa ang naganap na insidente at inaalam na rin ang pagkakalinlanlan sa mga napatay na umano’y carjacker.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply