4 pang station commanders, masisibak

MATAPOS maalis sa puwesto ang station commander ng Galas Police Station 11, apat pang station commanders ng Quezon City Police District ang nanganganib ring masibak sa kanilang mga puwesto dahil sa command responsibilty kaugnay ng lumalalang kriminalidad sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay QCPD Director Mario dela Vega, ipinag-utos na umano niya ang pagsasagawa ng evaluation report ng apat na istasyon ng pulisya at pinagpapaliwanag ang mga hepe nito hinggil sa kanilang mga accomplishments kontra krimen sa kanilang mga lugar na nasasakupan.

Gayunman, tumanggi si Dela Vega na banggitin ang mga naturang istasyon ng pulisya na kanyang pinaiimbestigahan at kung sino-sino ang mga hepe nito ang nasa balag ng alanganin.

Ani dela Vega ang lumalalang kriminalidad sa kanilang mga area of responsibilities (AOR) ang magsisilbi aniyang basehan kung mananatili o hindi sa kanyang puwesto ang kanyang mga station commander.

Sa susunod na linggo pa aniya malalaman ang magging resulta nang isasagawang evaluation sa mga  QCPD station commanders .

Matatandaang nauna ng nirelieved sa kanyang puwesto si Supt. Norberto Babagay, hepe ng Station 11, kasama ang kanyang dalawang tauhan dahil sa reklamo ng isang Brgy. Chairman at kasama  nito na umano’y tinaniman ng ebidensiya ng mga naturang pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply