4 pulis-tulog sa Pasay City, ipinasisibak

PINASISIBAK ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Benito Estipona ang apat na pulis-Pasay na nahuling natutulog sa loob ng presinto ng nagpapatrulyang news team ng isang malaking television station.

Kabilang sa mga sinibak sa puwesto sina SPO1 Leoncio Munoz, PO3 El Heidi Bulaclac, PO2 Romy Dela Cruz at PO2 Joshua Piel, pawang mga nakatalaga sa Police Community Precint (PCP) 10. Pansamantala itinalaga ang apat sa Pasay City Police Administrative Holding Unit at isasailalim sa imbestigasyon kaugnay sa haharaping kasong administratibo.

Samantala, sinibak din ni Pasay city police officer-in-charge Supt. Samuel Turla ang PCP commander  na si Chief Insp. Reynaldo Paculan kung saan ay ipinalit nito sa pwesto si Insp. Neil Devetulda.

Sinabi ni Estipona na ang mga mga nasibak na pulis ay dapat sanang nagpapatrulya sa bahagi ng Merville na kanilang nasasakupan kasama ang mga barangay tanod mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-8 ng umaga subalit nahuling natutulog sa presinto ng rumorondang news team dakong alas-2 ng madaling araw.

Bago ang pagsibak, napag-alaman na naglabas na si Estipona ng direktiba sa lahat ng mga pulis sa southern part ng Metro Manila na huwag ikatuwiran ang malamig na panahon upang matulog habang naka-duty dahil hindi na sila pinagtatrabaho ng lagpas sa kanilang oras.

Mismong si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Leonardo Espina ang naglabas na kautusan na hindi na dapat lumagpas sa walong oras and duty ng mga pulis upang hindi naman sila lubhang mapagod.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply