4 stude sinuspinde sa ibinuyangyang na topless photos ng guro

WASHINGTON – Sinuspinde ang apat na batang mag-aaral sa isang eskuwelahan sa Estados Unidos nang aksidente nilang makita sa iPad ang topless photos ng kanilang titser.

Sinasabing mayroong access sa nasabing gadget ang mga mag-aaral sa naturang paaralan sa tuwing magtuturo ang kanilang guro.

Apat sa kanila ang nagbukas sa folder sa IPhone ng guro at bumulaga sa kanila ang mga hubad na larawan ng kanilang titser.

“It is believed the photos transferred over to the iPad after the teacher’s iPhone accidentally synced with the device,” pahayag ng source.

Depensa ng 13-anyos na estudyante, nakita ng kanilang grupo ang dibdib ng kanilang guro pero hindi naman daw nila sinasadyang mabuksan ang naturang folder.

Nanggagalaiti naman sa galit ang mga magulang ng mga sinuspindeng mag-aaral at nais panagutin ang naturang guro.

Sa panig naman ng paaralan, kinikuwestyon na nila ang sangkot na guro at kapag napatunayang may sala ay hindi sila magdadalawang isip na ito ay sibakin sa puwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply