4 tulak sa Taguig, nalambat ng PDEA

APAT na pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga sa Taguig City ang nadakip ng anti-narcotics agents ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang  buy-bust operation noong October 6, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nahuling mga suspek na sina  Roberto Cangco, 51anyos, ng 33R Int. E. Hermosa Street, Pateros; Arvin Saludes, 33; Christian Cruz, 25; at Jacquelyn Zapata, 26, pawang mga tricycle drivers at mga residente ng Makati City, maliban kay Cangco.

Ang apat na suspek ay nadakip ng mga elemento ng PDEA Regional Office National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pamumuno ni Director Wilkins Villanueva; PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES); at Taguig Police sa isang entrapment operation sa kahabaan ng P. Mariano, Barangay Ususan, Taguig City, matapos bentahan ng shabu ang isang poseur-buyer ng PDEA.

Dahil dito, ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 26 (Conspiracy) in relation to Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang sila’y pansamantalang nakapiit sa PDEA custodial facility sa Quezon City.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply