40 kolorum na AUV, sinampolan ng PNP

SINAMPOLAN ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga kolorum na UV (utility vehicles) taxi nang hulihin ang may 40 AUV na iligal na namamasada.

Batay sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Leonardo Espina, nasa 10 kolorum na UV taxi ang hinuli ng Quezon City Police District sa Commonwealth at Mindanao Avenue sa Quezon City habang nasa 5 kolorum na AUV din naman ang hinuli sa C5 Road, Brgy. Bagong Ilog, Pasig City na nasasakupan ng Eastern Police District, 5 ang nahuli ng Manila Police District, habang 20 naman ang nahuli ng Southern Police District sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Las Piñas, Muntinlupa at Taguig City.

Napag-alaman na isinagawa ng mga tauhan ng PNP ang naturang operasyon upang tuluyang malansag ang patuloy na pagdami ng mga holdaper na gumagamit ng mga kolorum na AUV taxi gayundin ang pagsawata sa mga pulis o militar na iligal na sumasaydlayn gamit ang mga kolorum na sasakyan sa pamamasada.

Dinala na ang nahuling 40 AUV kolorum taxi sa impounding area ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Taytay, Rizal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply