4,000 pasahero stranded kay Ofel

STRANDED ngayon ang mahigit 4,000 pasahero sa ilang pantalan dahil sa bagyong Ofel.

Ayon sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG)  umaabot na sa 4,250 ang hindi makabiyahe dahil pinigilang makapaglayag ang mga barko sa mga lugar kung saan matatamaan ng bagyo.

Ayon kay Coast Guard Spokesman Lt. Cmdr. Arman Balilo, kabilang dito ang 1,364 pasahero ng isang barko sa Manila North Harbor na dapat sanang bibiyahe patungong Visayas ngunit pinigil ng PCG dahil sa pananalasa ni Ofel.

Mayroon namang 831 pasaherong stranded sa Cagayan de Oro  at Surigao matapos pigilan namang makapaglayag ang anim na barko roon.

Habang sa  Cebu at Bicol  ay nakapagtala naman ng  1,693 pasaherong stranded  at  362 naman sa Samar at Leyte matapos di payagang makapaglayag ang walong barko.

Sa ngayon, hindi pa batid kung kelan papayagang makapaglayag ang nasabing mga barko hanggat nagbabanta pa ang panahon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply