42 senatorial aspirants didiskuwalipikahin

KINUMPIRMA ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. na mahigit sa kalahati ng 84 senatorial aspirants na naghain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa 2013 senatorial elections ang didiskuwalipikahin nila at hindi papayagang makalahok sa halalan.

Ayon kay Brillantes, natapos na nila ang deliberasyon hinggil sa kung sinu-sino sa mga naghain ng COC sa pagka-senador ang papayagan nilang kumandidato sa halalan at batid na rin nila kung sinu-sino ang nuisance candidates.

Sinabi ng poll chief na maaaring maianunsiyo na nila ang kanilang desisyon sa Biyernes o sa Lunes.

“Lalabas na ‘yung desisyon namin either sa Friday or Monday,” ayon kay Brillantes.

“Alam na namin kung sinong dapat tanggalin as nuisance candidates at ide-declare na rin namin ‘yung legitimate candidates for senators for the 2013 elections. ‘Yung 84 na senador siguro mahigit kalahati ang matatanggal,” dagdag pa nito.

Una nang pinayagan ng Comelec na kumandidato sa halalan ang 27 senatorial aspirants, na pawang kabilang sa iba’t ibang political party habang noong nakaraang linggo naman ay kinapanayam ng Comelec en banc ang may 57 aspiring senatoriables upang matukoy kung seryoso ang mga ito sa kanilang kandidatura at kung may kakayahan ba ang mga ito na maglunsad ng nationwide campaign.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply