43 OFW mula Syria darating sa bansa bukas

APATNAPU’T tatlong Pinoy mula sa Syria ang darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bukas, Oktubre 30, sa patuloy na repatriation program ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa ulat na natanggap ng DFA, sakay ng Emirates flight EK 332 ang mga Pinoy.

May kabuuang 2,878 Pinoy ang napauwi na ng embahada kasama ang huling grupo ng Pilipinong napauwi sa bansa mula nang magkaroon ng kaguluhan sa Syria.

Nabatid na sinagot ng International Organization for Migration (IOM) ang pasahe sa eroplano  ng mga umuwing Pilipino.

Nakaumang na rin ang pag-uwi sa Pilipinas ng 35 pang Pinoy na pansamantalang nakatira sa Halfway House ng Embahada.  Tanging hinihintay na lamang nila ang kanilang flights pabalik ng Pilipinas.

Nananawagan ang DFA sa mga kaanak ng mga Pilipino na nasa Syria na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang maibigay ang mga kinakailangang impormasyon ng kaanak na OFW o kaya ay maaaring tumawag ang OFW sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) sa (02) 834-4996 o (02) 834-3333.

Maaari ring tumawag ang mga Pinoy na nasa Syria sa Embassy para sa anumang tulong sa 963-11-6132626.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply