43 OFWs mula Syria, balik bansa bukas

NAKATAKDANG dumating dumating bukas (October 30) ng hapon ang isa pang batch ng mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Syria.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez na darating bukas ng alas-4:00 ng hapon ang 43 OFWs na sumailalim sa repatriation program ng pamahalaan.

Batay sa ulat ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Media Affairs, nakatakdang dumating ang mga OFWs, sakay ang mga ito ng Emirates Airlines flight EK 332.

Dahil sa panibagong batch, aabot na sa 2, 878 ang Pilipino na nakauwi na mula sa Syria.

Ang darating na OFWs ay sasalubungi ng mga opisyal ng Overseas Worker and Welfare Administration (OWWA) at DFA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply