45 years old na umaapaw pa rin ang sex appeal!

PUMIRMA kamakailan ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN ang bidang aktor ng Be Careful With My Heart na si Richard Yap na mas kilala ng TV viewers bilang si Sir Chief, ang istrikto ngunit maaalalahaning boss ni Maya, na ginagampanan naman ni Jodi Sta. Maria.

Sa nasabing contract signing, nasabi ni Richard ang reaksyon niya sa mga komentong isa na siya sa pinakasikat na heartthrobs ngayon kalinya ng Kapamilya teen sensation na si Daniel Padilla. “I won’t call myself a heartthrob,” pahayag ni Richard, na buong pagmamalaking sinabing 45 years old na siya. “I don’t even consider my- self as an extra-ordinary handsome guy. Because the standards of being handsome before was mestizo and Chinese-looking men were never in demand.”

Bagama’t tutol sa taguring heartthrob, sang-ayon naman si Richard na matinding suporta ang natatanggap niya mula sa TV viewers at fans na ginawang Number 1 daytime show nationwide ang kilig-serye nila. Aniya, “I’m so grateful for all their love. Kaya talagang sumasaya ako kapag nakikita ko sila na dumadagsa sa mall shows namin at iba pang special events. It’s their way of showing their appreciation and I appreciate them so much for that.”

Nang tanungin tungkol sa off-screen relationship nila ni Jodi, ikinwento ni Richard kung bakit naging madali para sa kanya na makagaanan ng loob ang kanyang leading lady. “Magaan katrabaho si Jodi dahil napaka-down-to-earth niya,” ani Richard. “Mula simula, hindi kami nahirapan maka-jive ang isa’t isa kasi we have things in common. Pareho kaming nagpre-med school, we both like doing videoke. Madalas kaming magkulitan sa set.”

Nominado ngayon si Richard sa 26th PMPC Star Awards for TV bilang Best New Male TV Personality para sa seryeng “Binondo Girl” na gaganapin sa November 18 sa Ateneo Theater.

-0o0-

HINIHIRITAN ni Maja Salvador si Enchong Dee ng plane ticket bilang birthday gift niya ngayong Friday. Sagot naman ni Enchong, pag may movie na silang gagawin. Pero pag sa Europe ang shooting, makakalibre raw siya.

Parehong single sina Maja at Enchong pero hindi nila binibigyan ng malisya ang sobrang closeness nila sa isa’t isa.

Sey ni Maja, gusto niyang bumalik sa Europe mag-isa. Hirit naman ni Enchong, gusto niyang gayahin ito at subukang mag-trip na mag-isa.

Magka-partner kasi ang dalawa sa bagong serye sa ABS-CBN 2 na magsisimula sa Lunes (Oktubre 8), ang “Ina, Kapatid Anak” na pinagbibidahan ng apat sa pinakasikat na young stars ng kanilang henerasyon na sina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, at Maja Salvador.

Bahagi rin ng programa ang highly-acclaimed seasoned actors na sina Janice de Belen, Cherry Pie Picache at Ariel Rivera; at ang tatlo sa pinakanirerespetong veteran stars sa Philippine showbiz na sina Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil at Eddie Gutierrez.

Sa ilalim ng direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin, ang Ina Kapatid Anak ay malalim na kuwento ng pakikipaglaban para sa pag-ibig at karapatan.

-0o0-

HOW true na may bagong pagbabalingan ng atensyon si Atty. Ferdinand Topacio pagkatapos ng isyu sa kanila ni Bea Binene. Kung parang long lost daughter ang turing niya kay Bea, mukhang malilipat na ito kay Marvelous Alejo ng Artista Academy.

Ayon sa aming source, nagkita na ang dalawa, nag-dinner, nagkantahan at nag-duet ng “Bakit Ngayon Ka Lang”.

Posibleng tulungan at suportahan ni Atty. Topacio si Marvelous dahil talented ito at maganda ang boses. Maganda rin sa personal. Hindi kaya ipagprodyus niya ito ng album?

My K namang pumasok si Marvelous sa showbiz lalo na kung susuportahan.

Anyway, public apology lang ang hinihingi ni Atty. Topacio sa kampo ni Bea para matapos na ang isyu sa kanila. Kailangan din niyang linawin at klaruhin ang mga alegasyong ibinabato sa kanya.

“Hindi naman sa laban kung laban. It’s just that I have to do something dahil ‘pag wala akong ginawa, sasabihin ng tao, totoo, eh. Bakit hindi ka makapagreklamo? Siguro totoo! I have to do this. But a simple apology, okey na, eh. I’m willing to kiss and makeup. Hindi naman irretrievable o irreversible ang sitwasyon. “Hanggang ngayon, I still consider them my friends. Mag-usap kami. Upuan natin. ‘Ano bang problema? May nagawa ba akong kasalanan sa inyo? Sorry.’ Mag-sorry-han tayo. Magkamay tayo.Humarap tayo sa media. Sabihin n’yo, Misuderstanding lang, hindi namin gustong sirain ang pangalan ni Atty. Topacio. We are thankful.’ Tapos ang usapan,” deklara ng kontrobersyal na lawyer ng bansa.

‘Yun  na ‘yun!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply