452 kilo ng frozen meat nasabat sa Kyusi

TINATAYANG aabot sa 452 kilo ng frozen meat o mishandle meat ang nasamsam ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa isinagawang surprise unspection sa dalawang magkahiwalay na palengke sa Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa pahayag ni NMIS “Bantay-Karne” Chief Dr. Rolando Marquez, umaabot sa 194-kilo ng exposed at mishandled frozen meat ang nakumpiksma mula sa Balintawak Market.

Samantalang tinatayang nasa 258 kilo naman ang nakumpiska sa Susano Market sa Novaliches.

Batay sa ulat ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na pagpapatupad ng Administrative Order No. 6 ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa tamang pangangasiwa sa mga frozen meat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply