46 pasado sa Naval Architect at Marine Engineer Licensure Examination

NAKAPASA  sa pagsusulit  ang may 46  examinees na kumuha ng Naval Architect at Marine Engineer Licensure Examination na ibinigay ng Board of Naval Architecture at Marine Engineering sa Manila ngayong buwan ng Oktubre.

Ang nasabing bilang na masuwerteng  nakapasa ay mula sa kabuuang 81 examinees.

Sa isang kalatas,  na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC), tatlo dito ang nakakuha ng matataas na puntos na kinabibilangan nina; Geelo Ree Lacbayo Orcullo ng University of Cebu (93.40), Ronnie Sanchez Alcorcon ng University of Cebu (91.80) at Joy Timoteo Escalante ng Namei Polytechnic Institute (90.00).

Naging miyembro naman ng Board of Naval Architect at marine Engineering  sina Engr. Rosalio A. Quirante, Chairman; Engr. William B. Hernandez at Engr. Edward B. Cruz.

Ayon sa PRC,  isasagawa naman  ang registration ng issuance ng Professional Identification Card at Certificate of Registration sa October 22, 2012.

Pinaalalalahanan naman ng PRC ang mga nakapasa  sa naturang pagsusulit na magdala lamang ng mga kaukulang dokumento tulad ng Oath Form or Panunumpa ng Propesyonal, current Community Tax Certificate (cedula), 1 piece 1” x 1” picture (in color with white background and complete nametag), 2 sets of metered documentary stamps and 1 short brown envelope with name and profession and to pay the initial registration fee of P600 and Annual Registration Fee of P450 for 2012-2015, 2 pieces passport size picture (in color with white background and complete name tag).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply