5 bagets tinangay ng alon sa Cebu, 1 patay

PATAY ang isang 15-anyos na bagets nang tangayin ng malakas na alon kasama ang apat pang kaibigan sa karagatan sa South Road Properties, Cebu City, Martes ng gabi

Kinilala ang namatay na si Joanner Ylaya residente ng Tabucanal Pardo habang ligtas naman ang apat na kasama ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, namimingwit ang magkakaibigan nang biglang hinambalos sila malakas na alon at tangayin ng malakas na current sa dagat.

Natagpuan ang bangkay ni Ylaya ng mga resuer sa dalampasigan alas-5:00 ngayong umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply