5 gobernador sa ARMM suportado ang framework agreement sa MILF

MARIING sinusuportahan ng limang gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang hakbang ng Aquino administration sa paglagda sa framework agreement sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Kumbinsido ang mga gobernador na ang framework agreement na lalagdaan sa Lunes (October 15) ang magiging daan para sa inaasam na kapayapaan sa buong Mindanao.

Binigyang diin ng grupo na hindi dapat pairalin ng gobyerno ang “all out war” policy dahil hindi naman ito ang solusyon sa armed conflict sa rehiyon.

Inihayag ni Sulu Governor Abdu Sakur Tan na dapat nang matuto ang lahat sa leksiyon ng nakaraan kaya naman all out ang support nila sa napagkasunduang framework.

Nanawagan naman ng suporta sa mga taga-ARMM lalo na si acting governor Mujib Hataman para sa ikapagtatagumpay ng inaasam na kapayapaan sa rehiyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply