5 mangingisdang Pinoy, nasagip ng barkong US sa Mindoro

LIMANG mangingisdang Pinoy ang nailigtas ng escort battleship ng USS George Washington kaninang madaling araw sa karagatan sakop ng Mindoro.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Philippine Coast Guard (PCG), napadaan ang mga barko ng Amerika sa baybayin ng Mindoro nang mamataan ng mga tauhan ng USS Mc Campbell ang limang mangingisdang pawang mga Pinoy .

Nabatid na nasiraan umano ang bangka ng mga mangingisda atnagpalutang-lutang  sa bahagi ng Lubang Island.

Nakatakda namang i-turn over ang mga mangingisda ngayong umaga sa PCG.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply