5 miyembro ng internet cafe gang, todas sa barilan

LIMANG miyembro ng hinihinalang grupo ng ” internet café gang” kabilang dito ang isang babae ang napatay matapos makipagbarilan habang nagkakahabulan sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Batay sa report ni P/Sr. Supt. Neri Ilagan, QCPD Deputy for Operation, isinalarawan lamang nila ang mga nasawing suspek na tinatayang nasa 20-25 taong gulang, disente ang kasuutan nila, armado ng .38  kalibre ng baril, patalim at granada.

Nakuha sa mga napatay na suspek ang isang laptop computer, 3 piraso ng kalibre .38  baril, 3 granada at isang patalim.

Nabatid sa inisyal na ulat, nangyari ang shoot out sa pagitan ng mga pulis at suspek pasado alas  9:00  kamakalawa ng gabi sa labas ng D’ Best computer shop sa # 56 –D Fairlane St., East Fairview , Quezon City.

Nauna rito, pumasok umano sa internet shop ang mga suspek at nagkunwang mga customers bandang alas 7:30 ng gabi ng Martes,.

Napansin ng mga may–ari ng internet café na sina Michael Miñoza at Dranreb Flaroma ang kahina-hinalang ikinikilos ng   mga suspek.

Ilang saglit lang biglang nagdeklara na  ng holdap ang mga suspek ngunit agad ding humingi ng responde ang mga may ari  sa Camp Karingal .

Agad namang tinawagan sa radyo ng kampo ang detection patrol team nila na kinabibilangan ng CIDU at DPIOU na  nasa labas ng mga sandaling iyon.

Pagdating ng mga pulis , sinita umano nila ang mga papatakas na suspek  pero sa halip na sumuko ay pinaputukan sila ng mga suspek ang mga awtoridad dahilan  upang silay gumanti  ng putok hanggang sa ikinasawi ng limang hinihinalang miyembro ng internet café gang.

Ayon kay Supt. Ilagan, ang composite  team ng QCPD na CIDU, DPIU at mga Police station ay patuloy  ang operasyon laban sa kriminalidad particular ngayong Undas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply