5 pulis-Maynila, inireklamo ng extortion

INIREKLAMO sa Manila Police District-General Assignment Section ang limang pulis-Maynila ng apat na pedicab driver na kanilang kinotongan habang nagpapahinga sa likod ng Manila Zoo sa Mabini, Maynila.

Ayon sa GAS, nakilala ang dalawa sa 5 pulis na sina PO1s Fernando Morales at Ayron Diaz, kapwa nakatalaga sa MPD-Station 9.

Nabatid na nagpapahinga sa kani-kanilang mga pedicab ang mga biktimang sina Silverio Murillo Jr., 62, Marlon Ramos, 22; Moises Murillo, 19; at Efren Lamadora,30; at dalawang iba pa nang bitbitin sila ng mga pulis kamakalawa ng madaling araw.

Pagdating umano sa presinto ay hiningan sila ng mga pulis ng P500 bawat pedicab ngunit dahil sa kawalan ng sapat na pera ay ibinaba na lamang sa halagang P300 bilang areglo sa mga biktimang pedicab driver na umabot sa P1,800.

Nang maibigay ang nasabing halaga ay saka lamang sila pinakawalan subalit dumiretso sila sa headquarters upang ireklamo ang mga abusadong pulis.

Sa kabila naman ng dalawang beses na patawag ng MPD-GAS sa mga pulis para sa komprontasyon ay hindi pa rin lumulutang ang mga ito upang harapin ang reklamo laban sa kanila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply