Dyip swak sa ilog: 3 guro todas, 2 nawawala

DAHIL nabalahaw sa gitna ng ilog ang kanilang sasakyan, nalunod ang apat na titser at isang lalaking nagmamaneho ng kanilang sinasakyan na dyip matapos tangayin ng malakas na agos sa Batangas, nitong Miyerkules ng gabi (Oktubre 10).

Isa pa lamang sa tatlong bangkay ang nakilala at ito ay si Emiliana Lontoc, head teacher ng Barangay Apar Elementary School na narekober ang bangkay sa Barangay Olo-Olo. Kasama ni Lontoc na inanod ng agos ang drayber ng dyip na si Efren Lontoc, Nelia Guico, Menchie Gayeta at Jonah Dris, pawang titser din sa nasabing eskuwelahan.

Hinihintay pa ng awtoridad ang mga kamag-anak para kilalanin ang dalawa pang bangkay na narekober naman sa Barangay Haybanga.

Ikinakasa pa rin ng awtoridad ang paghahanap sa dalawa pang bangkay ng biktima.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 7 nitong nakaraang Miyerkules ng gabi sa isang ilog sa Lobo, Batangas.

Ayon kay PO2 Joselito de Chavez, bago ang insidente ay pauwi na ang mga biktima sakay ng isang owner-type jeep na minamaneho ni Efren matapos makipaglamay sa isang kaibigan na namatay.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang tumigil ang makina o nalabahaw ang naturang dyip habang ito ay nasa gitna ng ilog.

Dahil sa lakas ng agos, tinangay ang naturang dyip kasama ang mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply