5 sasakyan nagkarambola sa Pasig; 4 sugatan

SUGATAN ang apat katao sa naganap na karambola ng limang saakyan sa Ortigas Avenue, Pasig.

Sa salaysay ng driver ng trailer truck na si Wilbert Bogal, nawalan ng preno ang minamaneho niyang sasakyan bago sumapit ng Lanuza at nahagip niya ang apat na sasakyan na nakahinto sa traffic light dahil padausdos ang kalsada.

Dahil dito, nagkarambola ang wasak na dalawang taxi at dalawang pribadong sasakyan.

Isinugod naman ang apat na pasahero sa ospital na pawang nagtamo ng minor injuries.

Nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting in damages to property ang driver ng truck.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply