5-year term sa Barangay, SK ikinasa sa Senado

IKINASA ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang panukalang batas upang palawigin at tuluyan nang itakda sa limang taon ang termino ng lahat ng mahahalal na opisyal ng barangay kabilang ang Sangguniang Kabataan (SK).

Ayon kay Marcos, kailangang magkaroon ng permanenteng termino ang mga opisyal ng barangay at SK upang mawala na ang palagiang debate at sigalot sa pagpapaliban sa tuwing nalalapit ang halalan sa barangay.

“The now you hear it, now you don’t issue about the length of duty of barangay officials may finally be put to rest once the proposed measure adjusting the term limits to a longer period of time is enacted,” ayon kay Marcos.

Sinabi ni Marcos, chairman ng  Senate committee on local government, na kikilalanin ang Senate Bill 3296 bilang “Barangay and Sangguniang Kabataan Official Term of Office Act of 2012, na naglalayong itakda sa limang taon ang termino ng barangay official kabilang ang SK.

Nakatakda sa Section 2 ng panukala na nagsasabing “the term of office of all barangay and SK officials shall be five (5) years which shall commence at noon of November 20, next following their election.”

Sa ngayon, umaabot lamang sa tatlong taon ang termino ng barangay opisyal ng barangay at SK.

Nakatakda din sa panukala ni Marcos na gagawin ang susunod na sabayang halalan sa 2015 kaya magkakaroon ng holdover capacity ng dalawang taon ang kasalukuyang opisyal sa barangay at SK.

“While the right of suffrage is unquestionably paramount and constitutionally protected, the benefit of holding barangay and SK election every three years rather than at a longer period is a pressing issue,” paliwanag ni Marcos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply